Monday, November 05, 2007

bwiset.

Ewan ko ba kung baket pikon na pikon ako ngayon. Iniisip ko nga kung baket eh...

Gumising ako ng maaga, naligo at nagbihis at kumain ng chicken sandwich at umalis tungong stasyon ng tren. Maiksi lang ang aking paghintay sa tren na Q. Hindi naman masikip yung tren kaninang umaga, pero yung napili kong sakyan eh medyo mapanghe. Gumuhit sa ilong ko ang amoy ng ihe, lumang trapo at putok.. anak ng tokwa wala pang alas nuebe ng umaga. Hindi ko alam kung baket walang react ang mga tao sa tren. Deadma ba. Hindi ko namalayan na meron palang taong grasa na natutulog sa isang sulok ng tren malapit sa aking tinatayuan. Kaya pala. So, pasimple nalang akong pumalayo sa kanya.

Dumaan akong starbuko para bumili ng "grande sweetened ice coffee in a venti cup" bago ako pumasok sa trabaho. Ok naman, walang pila.

Ayun, nagtrabaho ako ng tuloy-tuloy. Ayos dito, ayos doon. Buhat dito, hakot doon. Minsan patingin tingin ng gamit na baka pwede bilhin. Nakakainis kase sana kinuha ko yung isang maliit na Halloween na maskara na may design na demonyo, kakaiba siya. Kaso nakaligtaan ko kunin at naunahan ako ng isa kong manager. Shet. Nakalimutan ko ding mag-lunch break. Pagtingin ko sa relos, 3:45pm na pala. Feeling ko naluge ako doon ha.

Parang lumipas yung araw ng mabilis sa trabaho ko.

Sumakay ako ng tren at nagmuni muni ng mga bagay na dapat kong gawin pagkauwi ko.

Paghinto sa Canal Station, lilipat sana ako ng upuan kaso biglang may lecheng babaeng panget na biglang umupo. Parang "musical chairs" ang naging pakiramdam ko. Nainis ako. Puta siya. Bumalik nalang ako sa dati kong upuan at bumalik sa akin mental checklist...

- maglaba... naisip ko bukas nalang tutal ang pasok ko ay 12 ng tanghali pa naman.
- magpinta
- kumain ng hapunan
- magayos ng kwarto

Pag uwi ko naalala ko na sarado pala ang Laundromat tuwing Tuesdays. Kaya hala, hakot ako ng labada at tumungong Laundromat. Habang naghihintay, nag-ayos ako ng kwarto ko, kumain, nag-internet. Ngayon tapos na ang labada, kaso tinatamad ako magtupi. Kelangan ko ding maghugas ng pinggan. Minsan kase walang initiative ang isa kong room mate pagdating sa paglinis ng bahay. Eh halos andito naman siya sa apartment madalas. Kaines.

Medyo gutom pa rin ako kase yung spaghetti na kinain ko kanina lang ay yung kaunaunang bagay na kinain ko sa buong araw na to mailban sa kape kaninang umaga. Medyo nagtataka nga ako at baket hindi pa ako hinihimatay sa gutom.

Osiya, tama na to. Medyo nabawasan na ang aking bwiset sa buhay. Siguro itutupi ko nalang yung damit ko at maghugas ng pinggan bago ako magpinta. Sana naman mas ok ang buhay bukas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home